pag nag sakripisyo ka para sa iba.
hindi mo naman pewede isumbat na
“Dahil sayo kaya ganto ang buhay ko”
wala namang mababago
sasama lang loob mo
at
desisyon MO yun.
Di ka naman pinilit.
Minsan iniisip ko pag namatay ako.
pupunta kaya ako sa langit?
kasi parang naging mabait ako sa lupa
kaso lagi kong nilalabag ang
“Remember the Sabbath and make it Holy”
Kasi lagi akong nagtratrabaho pag linggo.
at kung ang standard ko para sa sarili ko ng kabutihan ay parallel sa standard sa langit.
O kung may Reincarnation kaya?
Maging mas masaya kaya ang buhay ko
O baka maging ipis lang ako after.
Masaya kaya maging ipis?



Leave a comment